3 CDO boxers sa Finals

CAGAYAN de Oro City , Philippines  --Nagparamdam ang mga boksingero ng Cagayan De Oro City nang tatlo sa kanilang lahok ang umabante sa Finals sa 2013 PLDT ABAP Mindanao Boxing Tournament sa Tourism Hall dito.

Sina Carlo Paalam (CDO-A), Mark Lumbad (CDO-A) at Lorenz Ladrada (CDO-B) ang mga nagwagi sa kanilang laban sa semifinals sa Junior Boys division habang pitong iba pa ang nasa quarterfinals sa torneong inorganisa ng ABAP at suportado ng PLDT at Philippine Sports Commission (PSC).

Tinalo ni Paalam si Jerson Moreno ng MPBA sa light pinweights; si Lumbad ay nagwagi kay Eduardo Medio ng Camiguin sa light flyweight at si Ladrada ay nangibabaw kay Fedemar Antiga ng Cabadbaran sa light bantamweight class. 

Sa unanimous decision kumuha ng panalo ang tatlong panlaban ng koponang itinataguyod ni CDO Mayor Oscar Moreno.

Ang mga mananalo sa torneong ito ay magka­karoon ng pagkakataon na makalaro sa National Finals na gagawin sa susunod na taon.

Ang iba pang umaban­te sa Finals ay sina Samuel Salva ng Gingoog (light pin), Ryan Christian Munda ng Valencia (light fly)at Joy Boy Suan ng Mindy’s CDO.

Show comments