La Salle-Dasma aabangan sa Petron volley

MANILA, Philippines - Dapat maging handa ang ibang kasaling kopo­nan sa labang ipapakita ng La Salle-Dasmariñas sa 2013 Petron Ladies’ Beach Volleyball Battle of Champions na gagawin sa Huwebes sa La Salle-Health Science Institute sa Dasmariñas, Cavite.

Sina Iumi Yongco-Mara Ga­licia at Iari Yongco-Ma­ribeth Lara ang mga mag­da­­dala ng laban sa La Salle-Dasma kontra sa wa­long iba pang kasali.

Nagdedepensang kam­­peon ang koponan ma­tapos ang matagumpay na tambalan nina Jennifer Manzano at Cindy Benitez at kahit bagong koponan ang kanilang ipanlalaban, to­todo ng laro ang mga ki­natawan dahil ang asam na panalo ay ihahandog sa namayapang coach na si Darwin Campana.

“Siya po ang magiging inspirasyon namin para magkampeon,” wika ni Iumi sa PSA Forum kahapon.

Ang mga magtatangka na agawin ang titulo sa mga kamay ng La Salle-Dasma ay sina Mo­nique Pab­lo-Queenie Mondejar at Patricia Belleza-Jan Carreon ng Letran, Debbie Dultra-Mona Diolazo at Janine Marciano-Frances Molina ng San Be­da, Ma­del Gavarra-Chel­ho Ramos at Shaya Ado­rador-Pia Sarmiento ng UE, Cas­sandra Lleda-Me­lanie Car­rera ng Panga­sinan.

Show comments