MANILA, Philippines - Sinahugan ng mga daÂting World champions ang Team East at Team Asia para makumpleto ang apat na manlalarong magtatagisan sa Queens Cup na gagawin sa Resorts World Manila mula Nobyembre 5 hanggang 7.
Si Allison Fisher ng EngÂland na natataÂnging manlalaro na naging world’s No. 1 player sa apat na magkakaibang deÂkada, ang kukumpleto sa Team East.
Makakasama niya sa koponang bubuuin ng manlalaro mula US at Europe sina World champion Jasmin Ouschan ng Austria, Vivian Villarreal ng US at Kelly Fisher ng England na team captain ng koponan.
Sa kabilang banda, ang 19-anyos na si Siming Chen ng China na dati ring World champion at number one player sa mundo ang kinuha para kumpletuhin ang Team Asia.
Makakasama niya sina team skipper Ga Young Kim ng Korea, Pei Chen Tsai ng Chinese Taipei at Filipina bet Rubilen Amit.
Ang kompetisyon ay tulad sa Ryder Cup sa golf at ang format ng laro ay 10-ball.
Unahan sa 10 panalo ang mangyayari at ang aksyon ay inilagay sa singles, doubles, triples at 4-on-4.
Sakaling umabot sa 9-all ang labanan, ang deciding game ay paglalabanan sa 4-of-4.