MANILA, Philippines - Maipaghiganti ang pagkatalo ng kasamahan ang isa pang misyon ni GeÂnesis “Azucal†Servania sa pagharap niya kay Rafael Concepcion sa Pinoy Pride XXII sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.
Ang Panamanian boxer na si Concepcion ang siyang tumapos sa pagpapanalo ni AJ Banal nang nagkrus ang kanilang daan noong Hulyo, 2008.
Sa Cebu City Coliseum ginawa ang laban at nanalo sa pamamagitan ng 10th round knockout si Concepcion para kunin ang interim WBA super-flyweight belt.
May 22-0 baraha, kasama ang 8 KOs, si Servania at galing sa magandang panalo laban kay Konosuke Tomiyama ng Japan na ginawa noong Hulyo sa Macau.
Pero hindi natatakot si Concepcion sa ipinangaÂngalandakang husay ng Filipino boxer na nasa paÂngangalaga ng ALA Promotions.
“I have fought better boxers than Servania has faces,†wika ni Concepcion.
Bagamat nanalo sa huÂling laban, binanggit pa ni Concepcion na napatunaÂyan na si Servania ay kulang sa lakas sa magkaÂbilang kamao bagay na kanyang kakapitalisahin upang makuha ang panalo.
May 18-6-1 at 8KOs karÂta si Concepcion na nakasukatan din ang mga tinitingalang kampeon na sina Fernando Montiel, Nonito Donaire at Jorge Arce.
Hindi man siya nanalo sa tatlong ito, ang mapalaban sa mga ito ay patunay na may tapang at lakas si Concepcion.
Ang mga gustong maÂnood ng labang ito ay maaaring makabili ng tiÂcÂkets sa SM Cebu Cinema, SM Consolacion Cinema, Robinsons Department Store Costumer Service, ALA Gym BTC, ALA Gym Mandaue, ALA Gym Minglanilla, ALA Gym Banawa, at Bisaya Ispisyal Ayala.