Laro Bukas
(Marikina Sports Center)
7 p.m. PL Antipolo vs MJM Production (Team Zamboanga)
8:30 p.m. Sealions vs JSM-KTM
MANILA, Philippines - Pinangunahan ni RoÂnald Roy ang nag-aalab na paglalaro sa ikalawang yugto ng JSM-KTM para iwanan ang Galing MHS, 92-67, sa pagpapatuloy ng 3rd DELeaague Kap. Rudy Francisco Cup noong Martes ng gabi sa Marikina Sports Park.
May walong puntos sa 19 sa laro si Roy sa nasabing yugto at ang JSM-KTM ay umiskor ng 30 puntos para hawakan ang 51-32 kalamangan sa halftime.
Gumawa naman ng 17 puntos ang dating NCAA scorer Ismael Junio para bitbitin ang ACS Team sa 87-75 tagumpay sa Arquitectos Constructions sa ikaÂlawang laro.
Si Elvis Tolentino ang namuno sa natalong kopoÂnan sa kanyang 18. Ang ligang inorganisa ni Marikina Mayor Del de Guzman ay suportado ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc.,St. Anthony Medical Center Marikina Inc., PCA Marivalley, Mared Rubber and Marketing Corp.,The Playground Premium Outlet Store, Luyong Panciteria, Mckie’s ConsÂtruction Equiptment Sales and Rentals, Tutor 911, Azucar Boulangerie and Patisserie, Maic’s Gym, Mylene’s Ensaymada Bananacake, Pancit ng taga Malabon at Villaronar Resort.