MANILA, Philippines - Habang lumalapit ang Myanmar SEA Games ay nagbabago na rin ang paniniwala ng mga sports officials sa kahihinatnan ng kampanya ng Pambansang atleta.
Kung sa unang mga buÂwan ay sinasabing naÂmemeligro ang laban ng bansa at posibleng dumanas ng pinakamasamang pagtatapos ang ipadadalang atleta, ngayon ay may liwanag na nakikita si PSC chairman Ricardo Garcia.
“It will be better than that,†ani Garcia matapos tanungin kung nananatili ba ang paniniwalang mahirap abutin ang medalyang napanalunan ng bansa noong 2011 sa magaganap na labanan sa Disyembre.
Tumaas ang kumpiyansa ng PSC matapos pag-aralan ang listahan at ang kanilang mga ipinakikita sa pagsasanay at iba pang torneong nilahukan kumpara sa mga posibleng makakalaban.
“Our prospective golds, sa nakita na, almost sure is 25 gold medals. Outside of that, may iba pa na may dagdag dito, dagdag doon. So we’re looking at the prospect of winning 35 to 40 gold medals,†dagdag nito.
“We look at taekwondo, we look at wushu, these are the athletes we have been sending abroad. Wushu is confident of winning five or even more. Even our weightlifters and sailing is also confident. So there is a big possibility of winning more gold medals now that last edition,†pahabol pa ng PSC chairman.
Umabot sa 36 ginto, 56 pilak at 77 bronze medals ang naiuwi sa Indonesia na binuo ng 512 atleta at 652 bilang ng delegasyon na naglaro sa 39 sports at tumapos sa pang-anim na puwesto.
Sa Myanmar ay sa 26 sports lamang sasali ang bansa at nasa 208 lamang ang atleta habang ang kabuuang bilang ng deÂlegasyon ay inaasahang nasa 300 lamang.
Kung makuha ang target na 40 gold medals, titibay ang paniniwala ng PSC na hindi sa paramihan ng atleta kungdi sa pagpapadala ng quality athletes magtatagumpay ang bansa sa malakihang torneo.
“We will have a very lean number and that is going to make our allegation that if you send your best players, you will win the same or even more medals than sending 500 to 600 athletes. Numbers is not going to increase our medals, it’s the quality of athletes,†paliwanag pa ni Garcia.