Talagang hindi marunong tumanggap ng pagkatalo itong si Juan Manuel Marquez.
Palaging pikon pag talo.
Kahapon sa Las Vegas ay tinalo ni Timothy Bradley si Marquez sa pamamagitan ng split decision. Para sa akin, malinaw ang pagkapanalo ni Bradley.
Lumaban si Marquez ng palitan at sumubok ma-kaiskor ng knockout katulad ng ginawa niya kay Manny Pacquiao halos isang taon na ang nakakalipas.
Pero naging mailap si Bradley, na siya ring tumalo kay Pacquiao nung nakaraang taon. Maganda ang footwork at iginalaw ng husto ang kanyang ulo.
Mas magaganda rin ang ipinatama ni Bradley na pagkatapos ng laban ay halos walang marka ang mukha. Si Marquez naman ay may pamamaga sa gilid ng mga mata.
Patapos na ang laban nang tumama pa si Bradley ng isang kaliwa. Napaatras si Marquez at halos tumumba. Kita mo sa mukha niya na nayanig siya at nakalog.
Matapos ang decision, sumampa si Bradley sa lubid at napailing naman si Marquez. Kita mo agad sa makapal niyang muka na hindi niya gusto ang nangyari.
Anim na beses na raw siyang nadaya at tatlo dito ay laban kay Pacquiao. Sinabi pa niya na ginawa niya lahat ng dapat pero iba ang nakita ng mga judges.
Suwerte raw si Bradley dahil siya lang ang undeÂfeaÂted na boxer (31-0) na may dalawa nang talo. KonÂtrobersiyal din kasi ang pagkapanalo ni Bradley kay Pacquiao.
Nang matalo si Pacquiao kay Bradley at Marquez, madali itong tinanggap ng Pilipino. Kinamayan pa niya ang dalawa sa loob ng ring.
Pero iba si Marquez. Walang katulad.
Mag-retire ka na!