2nd family fun run inilunsad ng Energen

MANILA, Philippines -  Magdaraos ang Energen ng mas malaki at mas malawak na family run sa ikalawang pagsasagawa ng event sa tatlong magkakaibang venues sa Bonifacio Global City sa Taguig sa Oktubre 27, sa Abreeza Mall sa Davao sa Nobyembre 17 at sa Park Mall sa Mandaue, Cebu sa Disyembre 8.

Nagtala ang Energen Family run ng higit sa 3,300 runners sa inaugural sta­ging noong Mayo.

Inaasahan ng mga organizers na makakapagtala sila ng halos 7,500 runners sa nasabing three-venue event kung saan may nakahandang libreng ready-to-drink Energen.

Ang Energen, isang all-natural flavored instant cereal drink na may nutritious milk at oats na ipinamama­hagi sa Pilipinas ng TriDharma Marketing Corp. ay may tatlong flavors.

Ang mga ito ay ang vanilla, chocolate at ginger.

Ang Energen Go Fruit naman ay may tunay na strawberry, banana at sweet corn variants. Ito ay may halong mga vitamins na A, B1, B2, B6, B12, D, E, calcium at folic acid na kailangan ng katawan.

Ang mga nakahanay na events ay ang 3K, 5K at 10K, habang ang pagpapatala ay matatapos sa Oktubre 21.

Ang mga entry fees ay P200 (3K), P300 (5K) at P400 (10K), kasama na dito ang singlet at loot bags.

Show comments