Blue Thunder UCAA champ

MANILA, Philippines - Pumukol ng pitong puntos si Rennel  Montecillo sa huling 30 segundo para ibigay sa Rizal Technological University ang 66-62 panalo laban sa nagdedepensang kampeon Olivarez College at sungkitin din ang kam­peonato sa 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) men’s basketball tournament kahapon sa RTU Gym sa Mandaluyong City.

Inilapit ni Franklin Mancio ang Sea Lions sa isang puntos, 59-60, sa huling 50.1 segundo pero tumugon si Montecillo ng isang jumper at dalawang free throws para lumayo sa lima ang Blue Thunder.

Huling pagdikit ay sa 62-64 sa isa pang tres ni Eld­ridge Corpus pero naroroon uli si Montecillo na bumanat uli sa 15-foot line upang tiyakin ang panalo sa huling 7.3 segundo.

Si Jopet Quiro ang namuno sa RTU sa kanyang 22 puntos para kunin din ang MVP sa liga.

Show comments