DASMARIÑAS, Philippines--Umiskor si Franklin Mancio ng 26 points, habang nagdagÂdag ng 15 si Eldridge Corpus para igiya ang nagdeÂdepensang Olivarez Sea Lions sa 81-73 paggiba sa La Salle-Dasmariñas PaÂtriots sa Game 2 para walisin ang kanilang best-of-three semifinals series sa 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) men’s basketball tournament sa Ugnayang La Salle gymnasium.
Sina Corpus, Marvie Bustos at Mark Guillen ang siyang sinandigan ng Sea Lions sa fourth quarter para talunin ang Patriots.
Sa kanilang 2-0 sweep sa Patriots ay kinuha ng Sea Lions ang unang finals slot.
Nauna nang tinalo ng Sea Lions ang Patriots, 88-60, sa Game 1 sa Olivarez College gymnasium sa Sucat, Parañaque.
Samantala, binigla ng Rizal Technological University Blue Thunder ang PhiÂlippine School of Business Administration Jaguars, 88-67, para buhayin ang kanilang tsansa sa ikalawang finals seat.
Gumawa si Rennel MonÂtecillo ng 28 points, tampok dito ang walong triples, para itabla ang Blue Thunder sa Jaguars, 1-1, sa kanilang series.