MANILA, Philippines - Wala na ang men’s U-23 football team sa Myanmar SEA Games.
Sa deliberasyon na ginawa kahapon ng POC-PSC Task Force SEA GaÂme, napagdesisyunan ng mga kasapi na kulang ang justification na ipinakikita ng Philippine Football Federation (PFF) para pagbasehan ang pagsama ng koponan.
Humarap para sa PFF si secretary general Atty. Ed Gastanes habang ang nanguna sa Task Force ay si POC chairman Tom Carrasco Jr.
Ipinunto ng Task Force na iisa lamang ang naging international friendly game ng U23 team na nangyari laban sa Singapore at natalo ang Pambansang koponan sa 1-0 iskor.
“Kung sana apat o lima ang nilaro nilang friendly, meron tayong magiging basis. We are just being consistent and fair with the other National Sports Associations na dumaan din sa ganitong screening,†wika ni Carrasco.
Wala pa namang komento sa bagay na ito si PFF president Mariano Araneta.
Sa pangyayari, ang women’s team na Malditas ang siyang magdadala ng laban sa football ng Pilipinas sa Myanmar Games.
Matapos ang pagpupulong kahapon ay umakyat na sa 169 ang pasadong atleta at ito ay kinatampukan ng pagkakadagdag ng anim sa athletics at walo sa sepak takraw team.
“May mga Fil-Ams na inihabol sa athletics habang may tatlong male at limang female sepak takraw plaÂyers ang nanalo ng medalya sa World Championship sa Thailand na isinama na rin,†paliwanag ni Carrasco. May 68 pa ang naghahabol para makabuo ng 237 maximum bilang ng atleta sa Pambansang deÂlegasyon.
Ang bilang ay mas maÂbaba ng 10 sa naunang 248 na ipinalabas na numero noong nakaraang buÂwan at di hamak na mas maliit kumpara sa 528 bilang ng atleta na naglaro sa 2011 Palembang, Indonesia SEA Games.