Bolts nakauna sa semis

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena,

Pasay City)

5:15 p.m. Rain or Shine

 vs Globalport

7:30 p.m. Petron Blaze

 vs Ginebra

 

MANILA, Philippines - Ito na ang pinakamalam­yang inilaro ni import Michael Singletary. Lalo at higit sa isang mahalagang laban sa quarterfinal round.

Nalimita si Singletary sa 2 points sa first half at sa 9 markers sa kabuuan, iginupo ng  Meralco ang Barako Bull, 86-68, para  kunin ang unang semifinals ticket sa 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang unang semifinals stint ng Bolts sa isang komperensya matapos noong nakaraang Governor’s Cup.

“We made necessary stops. It is really our defense that made our game a lot easier because of the way we limited Singletary to nine points,” sabi ni coach Ryan Gregorio kay Singletary na nagtala ng league-best na 36.0 points per game ave- rage sa torneo.

Matapos isara ang first period bitbit ang 21-15 abante, kinuha ng Meralco ang isang 19-point lead, 44-25, mula sa basket ni Cliff Hodge bago matapos ang first half.

Ipinoste ng Bolts ang isang 20-point advantage, 50-30, buhat sa tirada ni import Mario West sa third quarter hanggang makalapit ang Energy sa 62-71 agwat galing sa split ni Ronjay Buenafe sa 7:58 ng final canto.

Isang 13-4 atake ang inilunsad nina West, Hodge at Reynel Hugnatan upang muling ilayo ang Meralco sa 84-66 sa huling 1:34 ng laro.

Ang mananalo sa pagitan ng  San Mig Coffee at 7 Alaska ang makakatapat ng Bolts sa best-of-five semfiinals series.

“At this point you don’t really want to rest. You just want to keep on working,” sabi ni Gregorio sa kanyang Meralco.

Meralco 86 - West 25, Hugnatan 18, Cardona 12, Hodge 10, Wilson 8, Cortez 6, Salvacion 3, Ross 2, Dillinger 2, Sena 0, Timberlake 0, Reyes 0.

Barako Bull 68 - Buenafe 23, Jensen 10, Singletary 9, Seigle 9, Weinstein 5, Marcelo 2, Intal 2, Macapagal 2, Cruz 2, Villanueva 2, Pennisi 2, Pena 0.

Quarterscores:  21-15; 44-27; 67-53; 86-68. 

 

Show comments