Laro sa Sabado
(Mall of Asia Arena,
Pasay City)
4 p.m. UST vs NU
(Final Four do-or-die)
MANILA, Philippines - Lumabas ang talim ng paglalaro ng La Salle sa huling yugto para angkinin ang 71-68 panalo sa FEU sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Si Jeron Teng ay naghatid ng double-double na 15 puntos at 10 boards bukod sa anim na assists at siya ay gumawa ng apat na sunod na puntos na nagtulak sa Archers sa 70-66 kalamangan.
Bago ito ay naunang nagdomina ang Tamaraws at dalawang beses pang lumayo ng 11 puntos sa ikatlong yugto.
Ngunit sa puntong kailangan nilang kumunekta ay nawala ang kanilang husay para mamaalam na sa liga.
Ang tres ni Roger Pogoy ang nagbigay ng 66-65 bentahe sa Tamaraws bago kumawala ng apat na sunod na puntos si Teng, mula sa dalawang split at bank shot.
Nakadikit pa sa 70-68 ang FEU sa inside points ni Terrence Romeo pero ang kanyang desperation triple matapos ang split ni Jason Perkins ay kapos para matapos na ang season ng nasabing koponan.
“I just told them to do what we have been doing in our practice,†wika ni La Salle coach Juno Sauler na kanyang mensahe noong lumamang ng 49-38 ang FEU sa ikatlong yugto.
Ito ang unang pagkakataon mula 2008 na nasa Finals ang Archers at hihintayin nila ang mananalo sa pagitan ng National University at UST para siyang makalaban sa best-of-three series na sisimulan sa Oktubre 2.
“Ayaw naming mamili. Both (NU-UST) are tough teams. We just have to prepare hard,†ani ni Sauler.
Tig-15 puntos din ang ginawa nina LA Revilla at NorÂbert Torres para sa nanalong koponan.
Nanghihinayang naman si Tamaraws coach Nash Racela sa pangyayari dahil maganda ang tsansa nilang manalo lalo pa’t dominado nila ang laban hanggang sa ikatlong yugto.
“We got La Salle’s number but we didn’t get the outcome we wanted. But I think the FEU community is proud of how they performed. They know that the players gave their best,†pahayag ni Racela.
Si Bryan Cruz ay mayroong 16 puntos, 12 rito ay sa first half ginawa habang si Romeo ay mayrong 13 puntos.
DLSU 71-- N. Torres 15, Teng 15, Revilla 15, Perkins 8, Van Opstal 6, Vosotros 5, T. Torres 4, Montalbo 3, Tampus 0, Salem 0, De La Paz 0.
FEU 68--Cruz 16, Romeo 14, Garcia 10, Mendoza 8, Pogoy 6, Belo 5, Hargrove 4, Tolomia 3, Jose 2, Inigo 0, Sentcheu 0.
Quarterscores: 18-21; 31-38; 52-56; 71-68