MANILA, Philippines - Ginagawa ng ABAP ang lahat ng dapat gawin para matiyak na handa ang Pambansang boksingero sa malalaking kompetisyon na kanilang lalahukan.
Sa pagdalo sa PSA FoÂrum sa Shakey’s Malate ni ABAP executive director Ed Picson kasama si national coach Pat Gaspi, inamin ni Picson na hindi kakayanin ng asosasyon na tugunan ang lahat ng pangangailangan lalo na kung pagsasanay at expoÂsures sa atleta ang pag-uusapan.
“Masyadong maliit ang pie na pinaghahatian ng mga sports associations. Masuwerte lamang kami at mayroon kaming MVP (Manny Pangilinan) at Ricky Vargas na tumutulong sa amin. Hindi naman namin kaya na lahat ay isama sa isang training camp o sa competition pero sinisikap namin na lahat sila ay mabigyan ng oportunidad,†wika ni Picson.
Dalawang malalaking torneo ang pinaghahandaan ng Pilipinas at ito ay ang AIBA World Men’s Boxing Championships sa Almaty, Kazakhstan at ang SEA Games sa Myanmar.
Mauunang gaganapin ang World Championships dahil ito ay nakatakda mula Oktubre 14 hanggang 26 at lima ang ipadadala rito sa pangunguna ng London Olympian light flyweight Mark Anthony Barriga.
Ang iba pang makakasama ay sina flyweight Roldan Boncales, bantamweight Mario Fernandez, lightweight Junel Cantancio at light welterweight Dennis Galvan.
Ang limang ito ay kaÂsama rin sa pinagpipilian para sa SEA Games team sa Disyembre. Ang iba pang ikinokonsidera ay sina 2010 Asian Games gold medalist flyweight Rey Saludar, World Series of Boxing veteran lightweight Charly Suarez, flyweight Ian Clark Bautista, light fly Rogen Ladon at lightwelter Joel Bacho.
Sina Saludar at SuaÂrez na tulad ni Barriga ay naglaro sa 2011 World Championships ay naiwan patungong Kazakhstan dahil parehong may iniinda na shoulder injury.
Ang mga pinagpipilian sa women’s boxers para sa SEA Games ay sina Josie Gabuco (48kg), Maricris Igam (51kg), Iris Magno (57kg) at Nesthy Petecio (57kg).