MANILA, Philippines - Bumiyahe ang Philippine Under-16 team patuÂngong Iran para sumabak sa FIBA-Asia U16 Championship sa Tehran.
Kasama ng Phl sa Group D ang Kazakhstan at Chinese Taipei at awtoÂmatikong nakapasok sa second round kasama ang mga nasa Group C na India, Japan at Jordan.
May apat na koponan naman sa Groups A at B.
Ang Group A ay binubuo ng reigning back-to-back champion China, Bahrain, Hong Kong at Syria, habang nasa Group B ang Iran, Korea, Malaysia at Thailand.
Ang national team ay binubuo nina Mike at Matt Nieto at Jolo Mendoza ng Ateneo, La Salle-Greenhills’ Carlo Abadeza at Mike dela Cruz, Far Eastern U’s Richard Escoto, UP’s Paul Desiderio, UPIS’s Diego Dario, San Sebastian’s Enzo Navarro, Sacred Heart of Cebu’s Arnie Padilla, Beacon’s Mikel Panlilio at Hope’s Jolo Go.
Unang makakalaban ng Nationals sa Huwebes ng gabi ang Kazakhs kasunod ang Taiwanese sa Biyernes.