MANILA, Philippines - Ipinagpaliban uli ng NCAA ang kanilang nakaÂtakdang laro kahapon dahil sa malakas na ulan at malawakang pagbaha dulot ng Habagat.
Laro sa pagitan ng San Sebastian-St. Benilde at Arellano-Jose Rizal University sa juniors at seniors ang dapat na naisagawa kahapon sa The Arena sa San Juan City.
“The NCAA has decided to cancel the basketball game today, Sept. 23, 2013 due to floods and bad weather. Also, the safety of the athletes and students is more important to the association. Schedules for the following matches will be announced at a later date,†wika ng kalatas gaÂling kay NCAA MANCOM chairman Dax Castellano ng St. Benilde.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagpaliban ng laro ang liga dahil sa Habagat dahil sa first round ay ilang laro rin ang hindi itinuloy dahil sa malawakang pagbaha sa Metro Manila.
Wala pang iskedul kung kailan gagawin ang naudlot na laro ngunit tiyak na hinaÂhanapan ng pamunuan kung paano isisingit sa ibang nakatakdang laro ang mga ito para hindi humaba ang kompetisyon.
May pangamba na simula na ng semestral break pero naglalaro pa ang liga dahil sa orihinal na iskedul ay sa Oktubre 21 pa matatapos ang elimination. Ito ay bukod sa nakanselang laro kahapon.