MAASIN, Leyte, Philippines-- Ang Visayas qualifying leg ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission-Batang Pinoy 2013 ay inaasahang lalahukan ng record 1,500 participants para sa 20 sports na gagawin sa iba’t ibang venues dito.
Sinabi ni overall project director lawyer Jay Alano ng PSC na umabot na sa 1,000 ang bilang ng mga atletang nagparehistro na lumampas sa naitalang 789 noong nakaraang taon.
Ang mga bronze winners sa individual events at ang mga silver medalists sa team sports ang maglalaro sa National Finals sa Nobyembre sa Bacolod City.
Halos 83 local government units mula sa Regions 6,7 at 8 ang maglalahok ng kanilang mga koponan.
Pangungunahan nina POC president Jose “Peping†Cojuangco Jr., at PSC commissioner Jolly Gomez ang opening ceremonies ngayong alas-4 ng hapon sa SouÂthern Leyte Sports Complex.