Gin Kings, Texters patayan sa No. 8

MANILA, Philippines - Bunga ng pagragasa ng ulan kahapon ay kinansela ng PBA Commissio­ner’s Office ang playoff ng Talk ‘N Text at Barangay Ginebra para sa No. 8 ticket sa quarterfinal round ng 2013 PBA Governor’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“Due to heavy rains and flooding, the playoff game for the eighth quarterfinal spot between Barangay Ginebra and Talk n Text has been reset,” pahayag ng PBA Commissioner’s Office.

Muling itinakda ang salpukan ng Tropang Texters at Gin Kings nga­yong alas-7:15 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mananalo sa na­sa­bing playoff ang siyang lalaban sa No. 1 Petron Blaze Boosters sa quarterfinals kung saan ang apat na koponang bubuo sa Magic Four ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ incentive.

Makakatapat naman ng No. 2 San Mig Coffee ang No. 7 Alaska, habang makakatagpo ng No. 3 Meralco ang No. 6 Barako Bull at haharapin ng nagdedepensa at No. 4 Rain or Shine ang No. 5 Globalport.

Pinayukod ng Talk ‘N Text, nagmula sa isang four-game losing slump, ang Ginebra, 113-99, no­ong Linggo para puwersa­hin ang kanilang playoff game.

“The guys willed themselves to victory,” sabi ni coach Norman Black sa kanyang Tropang Texters, naghari sa 2013 PBA Phi­lippine Cup, matapos igupo ang Gin Kings.

Sa nasabing panalo ay kumolekta si import Courtney Fells ng 26 points, 5 rebounds at 2 assists para sa kanyang ikalawang laro sa Talk ‘N Text bilang kapalit ni Tony Mitchell.

 

Show comments