STANDINGS W L
*-Petron Blaze 8 1
*-San Mig Coffee 6 3
*-Meralco 5 4
*-Rain or Shine 5 4
*-Alaska 4 4
*-Barako Bull 4 5
*-Globalport 4 5
Ginebra 3 6
Talk ‘N Text 2 6
Air21 2 6
*-quarterfinals
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. Air21 vs Alaska
6:30 p.m. Ginebra vs Talk ‘N Text
MANILA, Philippines - Matapos mabigo noong Biyernes, muling pipilitin ng Barangay Ginebra na masikwat ang pang-walo at huling tiket sa quarterfinal round ng 2013 PBA Governor’s Cup.
Lalabanan ng Gin Kings ang bumubulusok na Talk ‘N Text Tropang Texters ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Alaska Aces at Air21 Express sa alas-4:15 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagmula ang Ginebra sa 106-113 overtime loss sa Globalport kamakalawa kung saan umiskor si import Dior Lowhorn ng game-high 41 points.
“We need to work on our problem, kasi halos pick and roll ang naging problema namin. KailaÂngan naming i-work out yun against Talk ’N Text,†sabi ni head coach Ato Agustin sa Gin Kings.
Kasalukuyan namang nasa isang four-game loÂsing slump ang Tropang Texters ni Norman Black.
Nalasap ng Talk ‘N Text, nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup, ang kanilang ikaapat na sunod na kamalasan matapos yumukod sa nagdedepensang Rain or Shine Elasto Painters, 102-104, noong Miyerkules.
Kung magkakaroon ng two-way tie ay muling maglalaban ang Gin Kings at ang Texters para sa No. 8 seat sa quarterfinals.
Sa unang laro, sisikapin naman ng Alaska na makatabla sa Rain or Shine para sa agawan sa No. 4 berth sa Magic Four sa pagsagupa sa Air21.
Ang Top Four teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals laban sa koponang nasa lower bracket.