Lady Falcons reyna ng UAAP beach volley

MANILA, Philippines -  Binawi ng host Adamson ang kabiguan sa basketball nang pagwagian ang women’s beach volleyball sa 76th UAAP season.

Sina Shiela Pineda at Amanda Villanueva ay na­ngibabaw kina Maru Banaticla at Pam Lastimosa ng UST sa dalawang laro tungo sa sweep sa titulo

Kahapon pinaglabanan ang ikalawang laro sa UE Caloocan sand court at sina Pineda at Villanueva ay umukit ng bumangon mula sa pagkatalo sa first set tungo sa 21-23, 21-17, 15-9, panalo sa Lady Tigresses.

“Nabigyan ko rin ng title ang Adamson after three years ng paglalaro,” wika ni Pineda na siyang pinangalanan bilang Most Valuable Player.

Tinalo naman ng National University ang UST sa 21-10, 18-21, 15-11 panalo sa UST sa game two sa men’s division.

Nagdedepensang kampeon ang Bulldogs, ang do-or-die game ay mangyayari sa Lunes.

Naunang nanalo ang Tigers, 21-15, 21-17.

Show comments