Banchero sa Boracay napunta

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, hinirang si Fil-Am guard Chris Banchero ng Boracay Rum bilang third pick overall sa kauna-unahang D-League Draft kahapon sa PBA office sa Quezon City.

Nauna nang inihayag ni Banchero, ang Asean Basketball League Finals MVP para sa nagkampeong San Miguel Beermen, na maglaro para sa Blackwater Sports.

 Mas pinili naman ng Café France at Cebuana Lhuillier ang mga players na kanilang partner school kesa hugutin si Banchero.

 Kinuha ng Café France si Joseph Sedurifa ng Centro Escolar University bilang No. 1 overall pick, habang sinikwat ng Cebuana si Roi Sumang ng University of the East bilang No. 2.

Si Juneric Baloria ng Perpetual Help ay kinuha ng Big Chill bilang No. 4 kasunod ang pag-angkin ng Blackwater kay Andrew Avillonaza bilang No. 5.

Pinili ng NLEX si Art Dela Cruz ng San Beda, habang inilista ng Cagayan Valley si Celedonio Trollano ng Adamson at hinugot ng Hog’s\ Breath si Ford Ruyawa ng Letran.

 Ang iba pang napili sa first round ay sina Mark Romero (Jumbo Plastic), Benedict Adamos (Wang’s Basketball Team), Zachary Nicholls (Air21), Rowell Maniago (M-Builders) at Raul Soyud (UR Value).

Show comments