MANILA, Philippines - Pinalakas ang women’s basketball team na maglaÂlaro sa FIBA Asia Women’s Championship ng pagbabalik ni 6’0 center Cassey Tioseco.
Ang dating manlalaro ng Ateneo Lady Eagles at makailang ulit ding naisuot ang uniporme ng Pambansang koponan ay namalagi sa Canada upang magtrabaho.
Pero dahil kailangan uli siya ng koponan sa mahalagang kompetisyon ay nagpaunlak si Tioseco at bumalik upang tulungan ang koponan.
“Malaki ang maitutulong ni Cassey sa team dahil alam natin kung ano ang puwede niyang gawin,†wika ni National coach Haydee Ong.
Ang koponan ay sariwa sa pagkapanalo sa tatlong bansa sa Robredo Cup sa Naga City na kung saan hindi nakasama si Tioseco.
May 17 manlalaro ngayon si Ong para pagpilian sa bubuuing koponan na dapat ay mapangunahan ang Level II para makasama sa SEA Games sa Myanmar sa Disyembre.
Ang mga manlalarong kasapi bukod kay Tioseco ay sina Merenciana Arayi, Mary Joy Galicia, Joan Grajales, Chovi Borja, Karen Lomogda, Bernadette Mercado, Fria Bernardo, Cindy Resultay, Lalaine Flormata, Analyn Almazan, Denise Patricia Tiu, Joy Tolentino, Angel Ortega, Juvy Andaya, Janel de Castro at Fil-Am Melissa Jacobs.
Nanalo ng pilak ang women’s team noong 2011 Indonesia SEA Games matapos malusutan ng Thailand sa overtime.
Bagama’t pilak sila, kailangan pa rin nilang mapatunayan na palaban sa ginto ang koponan sa Myanmar para masama sa delegasyon.
Ang FIBA Asia event ay gagawin sa Bangkok, Thailand mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3 at makakasama ng Pilipinas sa Level II ang host Thailand, Malaysia, Indonesia, Uzbekistan at North Korea.