MANILA, Philippines - NAKHON RATCHASIMA, Thailand--Inungusan ng Power Pinays ang Sri Lanka, 19-25, 25-18, 19-25, 25-23, 15-11, sa 17th Asian Women’s Volleyball Championship sa MCC Hall noong Lunes ng gabi.
Ito ang unang panalo ng bansa sa nasabing biennial meet matapos ang walong taon.
Ang naturang tagumÂpay ang nagbigay sa 16th-ranked na Power Pinays na lumaban para sa ika-9 hanggang ika-12 puwesto sa classification phase kung mananalo sila sa Myanmar.
“Pag nanalo tayo sa Myanmar, lalaban tayo for placing.†sabi ni coach Ernesto Pamilar.
Naiwanan ng isang set ng 13th ranked na Sri Lanka, winalis ng Power Pinays ang huling dalawang sets para kunin ang panalo.
Pinamunuan ni veteran Aiza Maizo-Pontillas ang pagbangon ng koponan sa deciding set kung saan sila bumawi mula sa 9-11 paghahabol para umiskor ng anim na puntos.
Tumapos ang 5-foot-10 University of Santo Tomas alumnus na may team-high 22 points mula sa kanyang 16 attacks, five blocks at isang service ace.