STANDINGS W L
xNU 9 4
xFEU 9 4
xLa Salle 9 4
UST 7 5
Ateneo 7 5
xxUE 5 7
xxAdamson 4 9
xxUP 0 12
x-semifinalist
xx -sibak na
Laro Ngayon
(MOA Arena, Pasay City)
2 p.m. UP vs FEU
4 p.m. NU vs Ateneo
MANILA, Philippines - Magugulo ang puwestuÂhan ng mga koponang nasa itaas sa UAAP kung tunay na bawal na makita ang isang suspended individual sa venue na ginagamit ng liga.
Matapos dumulog ang UE sa UAAP Board upang siyasatin ang presensya ni Ateneo coach Bo Perasol sa laro ng Warriors at Eagles noong Linggo ang pamunuan ng nagdedepensang kampeon naman ang humingi sa pamunuan ng liga na sipatin din ang mga insidenteng katulad sa nangyari sa kanilang coach.
Partikular na tinuran sa liham ni Ateneo board reÂpresentative Ricky Palou kay UAAP president Fr. MaÂximino Rendon ng Adamson si Warriors cager Ralf Olivares na nakaupo sa likod ng bench ng UE gayong sinisilbihan niya ang one-game suspension na naipataw sa kanya noong Linggo.
Bukod kay Olivares, tiÂnuran din ng liham ang iba pang UE players na sina Charles Mammie at Lord Casajeros na nanonood ng mga laro ng kanilang koponan sa panahong sinisilbihan ang suspension.
Isinama rin sa liham sina FEU guard RR Garcia at La Salle guard Thomas Torres na sinusuportahan ang kanilang team, habang nakaupo sa bench dahil pinagbawalan sila maglaro bunga ng mga unsportsmanlike fouls.
Si Perasol ay nanood ng laro sa dugout ng Ateneo na umukit ng 77-72 panalo para mapatalsik sa kompetisyon ang UE.
Isang pagpupulong ang inaasahang gagawin ng pamunuan para aksyunan ang bagay na ito.
Samantala, magpapatuloy ang aksyon sa liga sa Mall of Asia Arena ngayon at kakapit pa sa ikaapat na puwesto ang Eagles sa pagharap sa mabigat na National University na mapapanood matapos ang labanan ng FEU at UP sa alas-2 ng hapon.
Ang Bulldogs at Tamaraws ay kasalo ng pahiÂngang La Salle sa unang puwesto sa taglay na 9-4 baraha at sakaling manalo ang tropa nina coaches Eric Altamirano at Nash Racela, titibay ang paghahangad nila sa mahalagang twice-to-beat advantage sa papasok sa semifinals.