Serena ibinulsa ang US Open crown

NEW YORK--Pinayukod ni No. 1 ranked Se­rena Williams si No. 2 seed Victoria Azarenka, 7-5, 6-7 (6), 6-1, para angkinin ang kanyang ika-17th Grand Slam championship matapos pagreynahan ang US Open.

“When you’re always trying to write history, or join history in my case, maybe you just get a little more nervous than you should. I also think its kind of cool, because it means a lot to me,” wika ni Williams sa kanyang pang limang U.S. Open cup.

 Ang kanyang 17 ti­tles ang ikaanim sa pina­ka­ma­ra­ming nakamit ng isang woman player sa ilalim ng 18 nina Martina Navratilova at Chris Evert.

Ito rin ang bilang ng ko­ronang nakamit ni men’s record-holder, Roger Federer.

Kinuha ni Williams ang 4-1 bentahe sa second set bago nakabangon si Azarenka, ang two-time Australian Open winner, para makatabla sa 6-6.

Matapos maisuko ang second set ay kinausap ni Williams ang kanyang sarili.

Itinala ni Williams ang 3-1 bentahe sa third frame para tuluyan nang igupo si Azarenka.

 

Show comments