RTU giniba ang PNTC sa UCAA

Laro sa Lunes

(La Salle-Dasma)

10 a.m. MLQU vs NCBA

11:30 a.m. PNTC vs PSBA

1 p.m. Trinity vs Olivarez College

2:30 p.m. DLSU-Dasma vs RTU

 

MANILA, Philippines - Pinayukod ng Rizal Technological University Blue Thunder ang Philippine Nautical Training Colleges Barracudas, 74-66, sa 12th Universities and Colleges Athletic Association (UCAA) men’s basketball tournament kahapon sa National College of Business and Arts gymnasium sa Fairview, Quezon City.

Nagsalpak si Sandy Cenal ng apat na free throws at tumipa ng split si Renel Montecillo sa dulo ng fourth quarter para igiya ang Johnedel Cardel-coached Blue Thunder sa 3-1 record.

Nagtala si Paul de la Pena ng 14 points, habang may 13 si  Edwin Malimban para sa Blue Thunder.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng RTU matapos talunin ang Philippine School of Business and Arts Jaguars, 68-62, noong Miyerkules sa RTU gymnasium sa Mandaluyong.

Sa naturang panalo ay naglista si Jaguars, Montecillo ng 15 points para sa Blue Thunder na nasa ikatlong puwesto sa torneong suportado ng Mikasa at Molten Balls.

 

 

Show comments