NEW YORK--Bigo si Andy Murray na maidepensa ang hawak na US Open title nang masibak siya sa quarterfinals laban kay Stanislas Wawrinka, 6-4, 6-3, 6-2.
Nawala ang dating matikas na laro ni Murray, kampeon din ng Wimbledon, matapos magkaroon lamang ng 15 winners para mabigo sa ninth seed na kalaban.
“I have had a good run the last couple of years. It’s a shame I had to play a bad game today,†wika ni Murray na hindi nagkaroon ng break point sa kabuuan ng labanan.
Ang 28-anyos na si Wawrinka ay umabante sa semiifnals at makakaÂsaÂgupa ang top seed na si Novak Djokovic, na pinagbakasyon naman si Mikhail Youzhny, 6-3, 6-2, 3-6, 6-0. Ang isa pang semis match ay sa pagitan nina Rafael Nadal at Richard Gasquet.
May 45 winners si Wawrinka at nagkaroon din ng apat na matitinding returns sa mga second serves ni Murray para madomina ang laban.
“Today, for sure, it’s my moment,†ani Wawrinka.
Si Wawrinka ang nalalabing Swiss netter sa men’s singles dahil ang matalik na kaibigan at Olympic teammate na si Roger Federer ay nasibak sa fourth round lamang.
Agad na nagpadala ng pagbati sa panalo ni Wawrinka si Federer, na may hawak ng pinakamahabang streak kung paglalaro sa semifinals sa Grand Slam event ang pag-uusapan na nasa 23.