Delegasyon sa Myanmar madadagdagan

MANILA, Philippines - May tsansa pa ang higit sa 100 atleta na makasama sa Philippine delegation na ilalahok para sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.

Ang naturang mga at­leta ay maaaring maidag­dag sa naunang 152 atleta mula sa 26 sports.

Posibleng ito na ang ma­giging pinakamaliit na de­legasyong ipapadala ng bansa sa nakaraang mga edisyon ng SEA Games.

Naghahangad ng tiket pa­ra sa Myanmar SEA Games ang mga atleta ng shooting, Muay thai, judo, wushu, women’s basketball at men’s football.

Ang mga nakatiyak na ng tiket sa Myanmar ay ang mga atleta ng  athletics (20), women’s football (20), taekwondo (16), men’s bas­ketball (12), boxing (10), cy­cling (9), karatedo (8), golf (7), aquatics (5), ro­wing (5), sailing (4), chess (4), archery (4), billiards (3), equestrian (3), Muay thai (3), sepak takraw (3), badminton (2), table tennis (2), pencak silat (2), shooting (2), canoeing (2), weightlif­ting (2), wrestling (2), judo (1) at windsurfing (1).

Show comments