MANILA, Philippines - Isang drive ni Jeron Teng sa natitirang 1.9 segundo ang nagtakas sa De La Salle University kontra five-time champions AteÂneo De Manila University, 66-64, sa second round ng 76th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tinapos ng Green Archers ang five-game winning streak ng Blue Eagles para masolo ang ikatlong puwesto.
Nauna nang itinabla ni Kiefer Ravena ang Ateneo sa 64-64 sa huling 14 segundo kasunod ang basket ni Teng para sa panalo ng La Salle.
Sa unang laro, tinalo ng UniÂversity of Sto. Tomas ang Far Eastern University via double overtime, 79-78, matapos bumangon mula sa isang 12-point deficit.
Iniwanan ng Tamaraws ang España-based cagers sa 37-25 sa third period bago naagaw ang unahan sa 43-42 sa huling 53 segundo nito.
Nagsalpak si Aljon MaÂÂriano ng isang tres sa naÂtitirang 4.9 segundo para itabla ang laro sa 62-62 patungo sa unang overtime.