Generals pinasuko ang Cardinals

 Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

4 p.m.  Mapua vs Letran (Srs.)

6 p.m. San Beda vs Lyceum (Srs.)

 

MANILA, Philippines - Tinapos ng Emilio Agui­naldo College ang kampanya sa first round sa 89th NCAA men’s basketball sa pamamagitan ng three-game winning streak matapos ang 89-80 panalo sa Mapua kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nagdomina uli si Noube Happi sa kanyang 17 puntos, 20 rebounds at 2 blocks pero nakatuwang niya sina Igee King, Elyzer Paguia at John Tayongtong sa huling yugto upang makasalo ang  Generals sa San Sebastian sa ikalima at anim na puwesto sa 4-5 baraha.

Limang sunod na puntos ang ibinagsak ni King habang isang tres ang pinakawalan ni Paguia sa krusyal na 11-0 palitan upang lumayo sa sampu ang bataan ni coach Gerry Esplana, may 3:52 sa orasan.

Bago ito ay nagsalitan pa ang Cardinals at Ge­ne­rals sa paghawak sa liderato at ang buslo ni Mark Brana sa huling 6:48 sa orasan ang huling nagpatikim ng kalamangan sa tropa ni coach Fortunato “Atoy” Co

Ang nakumpletong 3-point play ni Kenneth Ighalo ang nagpadikit pa sa Cardinals sa 78-83, pero hindi na nakalapit pa ang koponan dahil si Tayongtong ay gumawa ng 4-of-4 sa free throw line.

Ikapitong sunod na pagkatalo ito para sa Cardi­nals at nasayang ang magandang panimula ng koponan matapos hawakan ang kalamangan sa unang yugto, 23-17.

EAC 89 - Paguia 18, King 17, Happi 17, Jamon 11, Munsayac 9, Tayungtong 8, Arquero 5, Morada 4, Monteclaro 0, Castro 0, Manga 0

Mapua 80 - Ighalo 21, Magsisgay 21, Brana 17, Isit 12, Gonzales 4, Estrella 4, Biteng 1, Saitanan 0.

Quarterscores: 17-23, 43-40, 63-63, 89-80.

Show comments