NEW YORK--Pumasok si Venus Williams sa Day One ng 2013 US Open bitbit ang isang three-game winning streak sa limang Grand Slam tournaments.
Dinomina ng 33-anyos na si Williams si 12th-seeÂded Kirsten Flipkens, isang semifinalist sa Wimbledon noong nakaraang buwan at tumalo kay Williams sa hard court ngayong buÂwan, sa bisa ng 6-1, 6-2 taÂgumpay.
Humataw si Williams ng mga service aces na may bilis na 120 mph bukod pa sa kanyang mga swinging volley winners para talunin si Flipkens at umabante sa second round sa Flushing Meadows.
Si Williams ay isang seÂven-time Grand Slam singles champion at pitong beses na naging runner-up.
Hindi pa nakakapasok si Williams, nanguna sa WTA rankings noong 2002, sa top 10 matapos maging No. 9 noong Marso ng 2011.
Sinimulan naman ni SeÂrena Williams ang kanyang pagdedepensa mula sa isang 6-0, 6-1 panalo laban kay 2010 French Open champion Francesca Schiavone.
Tinalo naman ni Rafael Nadal, may 16-0 ngayong taon sa hard surface, si American Ryan Harrison, 6-4, 6-2, 6-2.
“It’s difficult to analyze now,†ani Nadal.