Nagretiro na si T-Mac

MANILA, Philippines - Matapos ang 16 taon, nagdesisyon si seven-time All-Star Tracy McGrady na magretiro sa paglalaro sa NBA.

Sinabi ni McGrady, nanalo ng dalawang sco­ring titles, sa ESPN na panahon na para isabit niya ang kanyang jersey.

“It’s been 16 years pla-ying the game I love,” sabi ni McGrady.

Naglaro ang 34-anyos na si McGrady sa China noong nakaraang season bago pumirma ng kontrata sa San Antonio Spurs sa kasagsagan ng NBA Playoffs.

Nakita siya sa anim na postseason games para sa San Antonio.

Si McGrady ang ninth pick noong 1997 Draft mula sa high school at hinirang na Most Improved Player noong 2001.

Show comments