MANILA, Philippines - Mainit ang larong nakita kina Liza del Rosario at Raoul Miranda para paÂngunahan ang second batch ng mga national finalists sa 2013 Bowling World Cup na ginanap kamakailan sa iba’t-ibang bowling center.
Ang national bowler na si Miranda ay nagtala ng 12-game series na 2747 para pangunahan ang kalalakihan.
Nakasunod sa kanya sina Richie Poblete (2669), Mar Serac (2637), JeÂremy Posadas (2630), Jeff Carabeo (2470), Jay Catolico (2467), Paulo Valdez (2463) at Benshir Layoso (2461).
Una naman ang beÂteÂranang si Del Rosario habang nakasunod sa kanya sina Lara Posadas at Rachelle Leon.
Ang mga nakalusot dito ay sasamahan ng mga manlalarong umabante sa first batch.
Ang lalabas na kampeon sa kalalakihan at kaÂbabaihan ang kakatawan sa Pilipinas sa 49th BowÂling World Cup internatioÂnal finals na nakatakda mula Nobyembre 15 hanggang 24 sa Sibiryak Center, Krasnoyarski, Russia.
Ang national finals ay gagawin sa Setyembre 14 at 15 sa Coronado LaÂnes, Setyembre 17-18 sa Paeng’s Midtown at SetÂyembre 20 sa SM Mall of Asia.
Sina Busan Asian GaÂmes gold medalist RJ Bautista at Krizziah Tabora ang mga kumatawan sa bansa noong nakaraang taon sa Wroclaw, Poland at si Tabora ay puwesto ng 14th place at si Bautista ay nalagay sa 34th.