NANJING--Tunay na nagdiwang ang Pilipinas sa pagkakapasok ng taekÂwondo sa 2nd Asian Youth Games nang manalo ng isang ginto at isang pilak ang ipinanlaban dito.
Si Pauline Lopez ang siyang kuminang sa mga pambato ng bansa nang manaig kay Fariza Aldangorova ng Kazakhstan, 4-2, sa finals ng women’s -55 kilogram division na pinaglabanan kahapon sa Longjiang gymnasium.
Pitong jins lamang ang sumali sa nasabing dibisyon at sinuwerte pa si Lopez na nag-bye sa quarÂterfinals upang maÂging sariwa sa tagisan sa seÂmifinals.
Mahalaga ang pahiÂngang nakuha ng Fil-Am na si Lopez na beterana rin ng 2010 Asian Games sa Guangzhou, China, dahil napalaban siya kay Rania Fawareh ng Jordan na kanyang tinalo sa dikitang 8-7.
Si Aldangorova ay umabante sa gold medal bout nang pinagpahinga si Dinorakhon Mamadibragimova ng Uzbekistan, 2-0.
Ang pilak ay naunang kinuha ni Francis Agojo sa men’s 53 kg matapos matalo kay Ramnarong Sawekwiharee ng Thailand, 14-17, sa finals noong Miyerkules ng gabi.
“I tried my best to win the gold for our country but I’m happy and proud of what I achieved here,†wika ni Agojo, mag-aaral ng Ateneo na nanalo ng ginto sa Korea Open noong nakaraang taon.
Bunga nito, ang Pilipinas ay mayroon ng dalawang ginto at dalawang silver medals papasok sa huling araw ng kompetisÂyon ngayon.
Ang mga lady athletes ang siyang nagbigay kiÂnang sa kampanya ng Pilipinas dahil sina golfers Mia Legaspi at Princess Superal ang tumapos sa unang dalawang puwesto sa women’s golf.
May isa pang medalya ang madadagdag sa talaan ng Pambansang koponan pero hindi pa mabatid ang kulay nito.
Si Jurence Mendoza ay nakatiyak na rin ng bronze medal sa tennis matapos umabante sa semifinals.
Ang 89th ranked sa mundo at second seed sa torneo na si Mendoza ay kinakaharap pa si Garvit Batra habang isinusulat ang balitang ito para malaman kung sino ang aabante sa finals sa boy’s singles.
Ang dalawang ginto ang tatayong pinakamaÂgandang pagtatapos ng Pilipinas sa dalawang edisÂyon ng AYG na isang qualifier para sa Youth Olympic Games sa Nanjing sa susunod na taon.
Sa unang edisyon ay hindi pinalad ang Pilipinas na makapag-uwi ng ginto at ang nabitbit ng delegasyon ay isang pilak at bronze medal.