MANILA, Philippines - Puwesto sa PambanÂsang delegasyon patuÂngong Myanmar SEA Games ang isa sa mabigat na motibasyon ng women’s National basketball team sa kanilang pagsalang sa 2nd Discovery Women’s Basketball Invitational-Jesse M. Robredo Memorial Cup sa Naga City.
Pitong manlalaro na beterano ng 2011 Indonesia SEA Games ang maÂngunguna sa koponang hahawakan ni coach Haydee Ong at makikipagsukatan ng husay sa mga bisitang Australia Gold Coast at SiÂngapore sa kompetisyong itinakda mula Agosto 22 hanggang 25.
Nakabitin pa ang pagÂsama ng women’s team sa Myanmar Games sa DisÂyembre dahil kailangan pa nilang patunayan na kaya nilang manalo ng ginto.
Nakasungkit ng pilak ang koponan sa Indonesia SEAG matapos matalo sa Thailand sa overtime.
Bukod sa SEA Games ay sasali rin ang koponan sa FIBA Asia Women’s Championship mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3 sa Bangkok, Thailand.
Ang Fil-American na si Melisssa Jacob ang babandera sa mga beterano ng Indonesia SEAG na kaÂtatampukan din nina Joan Grajales, Chovi Borja, Merenciana Arayi, Karen Lomogda, Maria Lalaine Flormata at Analyn Almazan.
Ang Pambansang koÂponan ang siyang nagdedepensang kampeon matapos dominahin ang isinagawang tagisan noong nakaraang taon sa BacoÂlod City na sinalihan ng Thailand, Qatar at Fujian, China.