MANILA, Philippines - May plano ang SamaÂhang Basketbol ng PIlipinas na maghanap ng isang naturalized player na mas malakas, mas maliksi at mas malaki kay 6-foot-11 Marcus Douthit para sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Championships.
Ito ang pahaging na sinabi kahapon ni SBP executive director Sonny Barrios sa PSA forum sa Shakey’s Malate.
“Like the way we prepared for this event (27th FIBA-Asia Championships), we will prepare to the best of our ability for the FIBA World. Whatever it takes, and whatever cards are on the table,†ani Barrios.
“Ang importante ay isang healthy, strong, tall, agile, skillful naturalized player. Hindi natin papaÂbayaan na banban ‘yung ating bigman for the FIBA World,†dagdag pa nito.
Bagamat nagkaroon ng right knee injury si Douthit sa second period at hindi na nakabalik sa aksyon ay tinalo pa rin ng Pilipinas ang South Korea, 86-79, sa kanilang semifinals match para makuha ang isa sa tatlong tiket sa 2014 FIBA World na lalaruin sa Madrid, Spain.
Maliban sa Pilipinas at Korea, kakatawanin din ng Iran, nagkampeon sa FIBA-Asia Championships sa ikatlong pagkakataon matapos noong 2007 at 2009, ang Asya sa FIBA World Championships.
Magtatapos ang kontrata ng 33-anyos na si Douthit sa Setyembre at wala pang opisyal na pahayag ang SBP kung bibigyan pa nila ng panibagong kontrata ang produkto ng Providence College sa NCAA Division 1.
Si Douthit ang kinuha ng SBP matapos sibakin si CJ Giles, naglaro para sa Bahrain sa nakaraang FIBA-Asia Championships, dahil sa magaspang na ugali nito.