MANILA, Philippines - Sa taas na 6-foot-11, nakasama ang pangalan ni Marcus Douthit sa apat na departamento sa statistics report sa 27th FIBA Asia Men’s Championship.
Base sa official stats matapos ang anim na laro, ang 33-na naturalized Filipino citizen ang nagbibigay ng mga numero para sa Gilas Pilipinas.
Nangunguna si Douthit, kumampanya sa Belgium, Turkey, Russia at South Korea, sa shot blocks mula sa kanyang 12 supalpal sa anim na laro kasunod si dating Smart Gilas player CJ Giles na may 6 para sa Bahrain.
Pumangatlo naman si South Korea center Lee Jongyhyun sa kanyang 11 kasunod ang 10 ni 7’2 Hamed Hadadi ng Iran.
Nasa ikalawang puwesto si Douthit, kinuha ng Los Angeles Lakers sa 2004 Draft ngunit hindi nakapaglaro sa NBA, sa two-point field goals sa likod ng kanyang 66 points.
Nangunguna si Hadadi, sinasabing minamatyagan ng isang NBA scout, sa nakolektang 76 points.
Nasa pang anim si DoutÂhit sa overall points matapos ang elimination round buhat sa kanyang average na 14.83 a game.
Namumuno sa nasaÂbing departamento si Jarvin Hayes ng Qatar (18.00) kasunod sina Hadadi (17.17), Jerri Jonson ng Kazakhstan (15.4), Ayman Almuwallad ng Saudi Arabia (15.25) at Jimmy Baxter ng Jordan (14.83).
Sa free-throw department, si Douthit ay pang 10 mula sa kanyang 22-of-29 shooting clip, habang ikaanim si Jason William (23-of-27).
Si Douthit ay pangatlo sa pagkuha ng defensive rebounds sa kanyang 49 boards at ikaapat naman sa pagsikwat ng total rebounds sa likod ng kanyang 62 rebounds kumpara sa 52 ni Hadadi.