Gilas puntirya ang semis vs Kazakhstan laban Pilipinas!

Laro Ngayon

 

(Mall of Asia Arena, Pasay Cty)

 

10:30 a.m. Bahrain vs Hong Kong

12:45 p.m. Japan vs India

 

MANILA, Philippines - Dalawang panalo na lamang ang layo ng Gilas Pilipinas para makuha ang isa sa tatlong tiket sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Nakamit ang No. 1 seat sa Group E, lalabanan ng Pilipinas ang No. 4 Kazakhstan ngayong alas-8:30 ng gabi sa knockout quarterfinal round ng 27th FIBA-Asia Men’s Championships sa  Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Naiwasan ng Natio­nals na makatapat ang nagdedepensang China, nalagay sa Group F No. 3 at haharapin ang Group E No. 2 Chinese-Taipei sa alas-5:45 ng hapon.

Makakatapat naman ng Group F No. 1 Iran ang Group E No. 4 Jordan sa alas-3 ng hapon.

“Nothing is easy, no­thing is sure,” wika ni National head coach Chot Re­yes matapos ang ka­nilang 67-55 panalo laban sa dehadong Hong Kong sa pagtatapos ng elimination round noong Miyerkules.

Nauna nang nakaharap ng Gilas ang Kazakhstan sa kanilang pinakahuling tune-up game bago ang 2013 FIBA-Asia Cham­pion­ship.

Sumandal ang Natio­nals kay Jeff Chan sa dulo ng final canto para takasan ang Kazakhs, 92-89, noong Hulyo 30 sa Smart Araneta Coliseum.

Lalabanan ng Kazakhs­tan ang Pilipinas na may mga injured players kagaya nina naturalized point guard Jerry Johnson, 6-foot-8 Mikhail Yevstigneyev at 6’4 guard Konstantin Dvyrnyy.

“When you don’t have anything to lose, you can even play a great game as we did in the game versus China,” sabi ni Italian mentor Matteo Boniciolli. “I know my team can produce even as we saw in the scrimmage before the beginning of competition against the Philippine team.”

Hindi naglaro sina John­son, Yevstigneyev at Dvy­rnyy sa kanilang 53-85 pag­­yukod sa Iran noong Mi­yerkules.

Ang Kazakhstan ang tumalo sa Pilipinas para sa agawan sa bronze medal sa 2002 Asian Games sa Busan, Korea.

“Matagal na ‘yon. At ma­dalang silang mag-com­pete. That’s why it’s hard to scout them. It’s hard to read their game,” ani Jong Uichico,  ang coach ng Pili­pinas noong 2002 Asian Games.

Bukod kay Chan, muli ring aasahan ni Reyes sina 6’11 naturalized center Marcus Douthit, Ranidel De Ocampo, Gabe Norwood, Jayson Castro William, LA Tenorio, Jimmy Alapag, Japeth Aguilar, Mark Pingris, Larry Fonacier, Gary David at June Mar Fajardo.

Show comments