MANILA, Philippines - Kung tatalunin ni Manny Pacquiao si Brandon ‘Bam Bam Rios ay may tsansang muling mabuhay ang usapan para sa kanilang laban ni Floyd Mayweather, Jr.
“I’m hoping for that fight to happen, but it’s up to him. If he says yes, then the fight will be on,†ani Pacquiao sa kanilang pagdalaw ni Rios sa isang popular na sports program na First Take sa Connecticut, USA.
Tatlong beses bumagsak ang negosasyon para sa super fight nina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Mayweather (44-0-0, 26 KOs) dahilan sa mga isyu sa prize money at pagsailalim sa isang Olympic-style random drug testing.
Kamakailan ay inihayag ng 36-anyos na si Mayweather na ayaw na niyang labanan ang 34-anyos na si Pacquiao dahil laos na ito.
Ang pinagbasehan ni Mayweather ay ang dalawang sunod na pagkatalo ng Filipino world eight-division champion kina Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez noong 2012.
Sinabi naman ni Pacquiao na sadya lamang talagang takot si Mayweather na labanan siya.
Ngunit bago isipin si Mayweather ay pagtutuunan muna ng pansin ni Pacquiao ang kanilang upakan ni Rios sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.
Ayon kay Pacquiao, ang kanyang ikikilos sa ibabaw ng boxing ring ay depende sa ipapakitang laban ng 27-anyos na si Rios (31-1-1, 23 KOs).
“It depends on his style. But I will train hard. I will be prepared. I will be ready mentally and physically,†wika ni Pacquiao.
Matapos sa Connecticut ay magdaraos ang Top Rank Promotions ng press confeÂrence sa New York at Los Angeles para sa pagtatapos ng promotional tour nina Pacquiao at Rios.