Laban eere sa Balls Channel ngayong Linggo: Aldo muling idedepensa ang UFC title vs Chan ‘Korean Zombie’ Sun Jung

MANILA, Philippines - Eere na ngayong Linggo (Agosto 4), simula alas-10:30 ng umaga sa Balls Channel ang isa sa mga inaaba­ngang laban ng taon, ang bakbakan para sa titulo ng UFC Featherweight Champion sa pagitan ng kasaluku­yang titleholder na si Jose Aldo at ng “Korean Zombie” na si Chan Sung Jung. Ang main event na ito ay magiging pampitong beses na ni Aldo na ipagtanggol ang kanyang hinahawakang titulo. Ma­liban pa sa nasabing main event ng UFC 163 nga­yong Linggo ay magaganap din ang labanan ng welterweight contender at jiu-jitsu master na si De­mian Maia at ng 170-pounder na si Josh Koscheck. Ang former light heavyweight champion naman na si Lyoto “The Dragon” Machida ay matatapat kay Phil “Mr. Wonderful” Davis. Ang nasabing laban ay mapapanood din sa Balls (SkyCable channel 34 at Destiny Cable channel 36).

Show comments