Sa Alaska Ironkids Philippines Triathlon: Borlain mapapalaban sa anak ng Ironman ex-world champion

CEBU CITY, Philippines--Masusukat ngayon ni Tara Borlain ang kanyang husay sa pagsali ng isang dayuhan na anak ng dating Ironman world champion sa Alaska Ironkids Philippines Triathlon sa Lapu Lapu City.

Si Borlain na dinomina ang tatlong naunang edis­yon ay mapapalaban kayTahlia McCormack na ang ama ay si Chris McCormack na world champion sa Ironman noong 2007 at 2010.

“I’m challenged,” wika ni Borlain na ang ama na si Ringo ay 2006 Mr. Universe at dating strength and conditioning coach ng San Miguel.

Sa 9-10 age bracket ang dibisyon nina Borlain at McCormack at magpa­pasikip sa tagisan ay ang pagpasok pa ni Sofia Ildefonso na anak ng PBA player na si Danny Ildefonso.

May 200 bilang ng mga batang edad anim hang­gang 14 anyos ang maglalaban-laban sa karerang gagawin sa dalawang magkaibang distansya.

Ang mga mas batang manlalaro ay kakarera sa 100-m swim, 3-k bike at 2-k run habang ang may edad ay sa mas mahabang 300-m swim, 10-k bike at 2-k run.

Layunin ng palarong ito ang humubog ng mga may potensyal na triathlete na maaaring sumali sa Cobra Ironman 70.3 sa hinaharap.

“It’s more exciting this year because we have bigger participation, which means tougher competition,” wika ni Alaska IronKids Philippines race director Ani de Leon sa race briefing kahapon.

Ang karera ay magsisimula at magtatpos sa Shangri-La Mactan Resorts and Spa at ang iba pang detalye ay makikita sa website na www.ironkidphil.com

Show comments