MANILA, Philippines - Ang kampanya ng Pilipinas sa World University Games, ang mga nanalo sa 7th World Karate Championships at ang pagsali ng Pilipinas sa dalawang World Series Softball sa US ang tatalakayin ngayon sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura, Manila.
Si dating Senador Nikki Coseteng ang manguÂnguna sa bisita at siya ang magkukuwento kung paÂano naipanalo ni GMWesley So ang kanilang laro para maibigay ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa prestihiyosong torneo ng mga university student-athletes sa Russia.
Sina Ayesha Ramos at Ian Calapati na nanalo ng ginto at pilak sa katatapos lang na Hayashiha World KaÂrate Championship ay daÂdalo rin kasama ni Dennis Qauinn, vice president ng Southern Luzon-Philippine Karatedo Federation.
Makakasama rin sa foÂrum ay si Iloilo coach Rey Fuentes na mag-uulat tungo sa papaalis na Iloilo teams na lalaro sa Major League (11-12) at Junior League (13-14) teams.
Ang Major League ay gagawin sa Portland, OreÂgon habang ang Junior LeaÂgue ay sa Kirkland, WaÂshington paglalabanan.