MANILA, Philippines - Nakahinga ng maluwag si Philippine Football FedeÂration (PFF) president MariaÂno Araneta nang itakÂda ng POC-PSC Task Force SEA Games ang petsang Agosto 7 para maipakita niya kung bakit dapat na maisama ang football team sa mga magÂlalaro sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.
“Nagkaroon pa kami ng oxygen,†nakangiting sinabi ni Araneta matapos ang POC General Assembly kahapon sa Manila Golf Club sa Makati City.
May kumpiyansa naman siya na malinaw niÂyang maipapahayag sa Task Force ang kahaÂlagahan na makapaglaro ang kalalakihan at kababaihang football teams bukod pa sa dalawang koponan sa futsal sa magaganap na pagpupulong.
“Magaling naman ang mga teams natin and we have been preparing them for a long time. Isa pa, wala ng ibang tournament na puwedeng salihan ang men’s team at ang futsal teams kung SEA competition ang pag-uusapan,†wika ni Araneta.
Ang aksyon sa men’s football ay bukas para sa U-23 lamang pero ang Pambansang koponan ay lalaban sa medalya sabi pa ni Araneta dahil may mga Fil-foreigners din ang magpapalakas dito.
“Kung hindi sila maipaÂpadala, paano na ang mga sumusuporta tulad ng Suzuki na nagsasagawa ng U-23 tournament para makadiskubre ng mga manlalaro,†ani Araneta.
Ang men’s at women’s team ay binubuo ng tig-20 manlalaro habang tig-14 naman ang kakatawan sa male at female futsal teams.
Nais ng PFF na papondohan sa PSC ang kaÂÂnilang partisipasyon pero handa rin silang maghanap ng sariling pondo para maÂkalaro sa Myanmar kung masasama sa deÂlegasyon.