MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang buildÂup sa kumpiyansa ni Ana “Hurricane†Julaton sa pagharap niya kay Celina Salazar ng USA sa Agosto 17 sa Cancun, Quintana Roo, Mexico.
Ang 24-anyos na si Salazar ay may 4-1 karta pero galing siya sa pagkatalo sa kamay ni Melinda Cooper noong Setyembre 8, 2012 sa pamamagitan ng majority decision.
Galing ang 33-anyos na si Julaton, dating WBO at IBA super bantamweight champion, sa dalawang dikit na panalo kina Yolanda Segura at Abigail Ramos na nangyari matapos matalo kay Yesica Patricia Marcos noong Marso 16, 2012 sa pamamagitan ng unanimous decision sa labanan para sa WBO title.
Tiniyak ni Julaton na nasa magandang kondisÂyon ang kanyang pangaÂngaÂtawan at handang hanÂda sa magaganap na laban.
Ipinagmamalaki ni Julaton na nanumbalik na ang kanyang lakas sa magÂkabilang kamao matapos patulugin sa unang round si Ramos.
Masasabi ring home court ang Mexico para kay Julaton dahil ang kanyang huling dalawang laban ay ginawa rito.
“I am honored to fight there and on August 17th, I guarantee an entertaining fight for everyone,†wika ni Julaton.
Hanap niya ang kumÂbinsidong panalo para malinya uli sa posibleng world title fight bago matapos ang taon.