Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. UE vs UP
4 p.m. Ateneo vs UST
MANILA, Philippines - Nakamit ng Red Warriors ang una nilang back-to-back wins ngayong season, at balak nila itong idiretso sa tatlo sa pagharap sa FighÂting Maroons.
Magtatapat ang UniverÂsity of the East at ang University of the Philippines ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang salpukan ng five-time champions Ateneo De Manila University at University of Sto. Tomas sa alas-4 sa first round ng 76th UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Ang huling dalawang panalo ng Red Warriors ay laban sa Blue Eagles, 72-68, noong Hulyo 17 at kontra sa La Salle Green Archers, 85-83, noong Hulyo 20.
Nakalasap naman ang Fighting Maroons ng 69-79 kabiguan sa Tigers noong Hulyo 24.
Bitbit ng Far Eastern University ang 6-0 kartada kasunod ang UST (4-2), UE (3-3), La Salle (3-3), National University (3-3), Adamson (3-3), Ateneo (2-4) at UP (0-6).
Sa ikalawang laro, paÂkay naman ng Tigers ang kanilang pangalawang dikit na ratsada sa pagharap sa Blue Eagles.
Samantala, isang three-game suspension ang ipinataw ni UAAP Commissioner Chito Loyzaga kay referee Francisco Olivar na tumawag ng kontrobersyal na unsportsmanlike foul sa huling 15 segundo ng laro kay Adamson player Gian Lloyd Abrigo dahil sa pagbabantay nito kay La Salle center Norbert Torres.
Nakabangon ang Falcons mula sa isang 17-point deficit sa final canto ngunit ang nasabing tawag ni Olivar ang naglusot sa 70-67 panalo ng Green Archers noong Miyerkules.
“Mr. Olivar is a qualified and experienced referee who officiates both local and international games. Unfortunately, at the Adamson/De La Salle game, he made an untimely decision to call a foul in the last 15 seconds of the game. The call resulted in an advantage to La Salle, which eventually won the game,†ani Loyzaga sa isang memo.