MANILA, Philippines - Nabiyayaan si Richard Pumicpic sa pag-atras ni two-time world challenger Bernabe Concepcion nang siya ang kinuha para makasama sa mga lalaban sa pa-boxing ni Anson Tiu Co sa Sabado sa Parañaque City.
Ang 23-anyos na si Pumicpic ang WBC Youth Silver bantamweight champion at siya ang makakasukatan ni Richard Betos sa isang 10-rounder sa fight card na gagawin sa pakikipagtulungan sa In This Corner bilang alaala sa namayapang boxing analyst Ramon ‘Moy’ Lainez.
Si Eden Sonsona ay magbabalak na pabanguhin uli ang pangalang nadungisan nang natalo sa WBO suÂper bantamweight eliminator kay Jonathan Oquendo sa pagharap kay Daniel Ferreras sa isa ring 10-rounder.
Mahalaga ang makukuhang panalo nina Pumicpic (12-5-2, 4 KO) at Sonsona (32-6, 10KO) dahil posibleng mabigyan sila ng mas magandang laban sa sunod nilang sampa ng ring.
“If one of them will win, then maybe they can vie for a world title,†wika ni Co na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
Si Concepcion ay umatras dahil dumanas siya ng shoulder injury matapos ang pagsasanay.
Tampok na sagupaan sa promotion na ito ay ang pagkikita nina Jessabelle Pagaduan at Carleans Rivas para sa Philippine women’s minimumweight title.