Cleveland susugal kay Bynum

CLEVELAND -- Susu­gal ang Cleveland Cavaliers sa pagkuha kay Andrew Bynum at sa kanyang problemadong mga tuhod.

Nakipagkasundo ang free agent center, hindi naka­­paglaro sa Philadelphia sa nakaraang season dahil sa kanyang knee injuries, sa Cavaliers sa isang two-year contract, sabi ng isang source sa The Associated Press.

Nauna nang binisita ni Bynum ang Dallas Mave­ricks at nakipagpulong sa mga opisyales ng Atlanta Hawks.

Dinala ng Los Angeles Lakers ang 7-footer sa 76ers bilang bahagi ng isang four-team blockbuster.

Inasahan sanang ma­kakatulong si Bynum, isang dating All-Star sa La­kers, sa Philadelphia ngunit hindi siya nakatapak sa court at sumailalim sa surgery sa kanyang dalawang tuhod noong Marso.

Tanging $6 milyon at isang taong kontrata lamang ang ginarantiyahan ng Cavaliers kay Bynum.

May $12 million option si Bynum sa kanyang ikalawang taon at posible pang lumobo sa $24 milyon para sa kanyang performance bonuses.

Sa Cleveland, muling mabubuo ang samahan nina Bynum at Cavs coach Mike Brown na isang season niyang nakasama sa Los Angeles.

 

Show comments