Cignal, PLDT-MyDSL, Cagayan puntirya ang 2-0 kartada

Laro Ngayon

(The Arena,

San Juan, City)

2 p.m. Cignal

vs TMS-Army

4 p.m. PCSO-Bingo Milyonaryo

vs Cagayan Valley

6 p.m. PLDT-MyDSL

vs Petron

MANILA, Philippines - Ang mahalagang 2-0 karta ang pupuntiryahin ng Cig­nal, PLDT-MyDSL at Cagayan Valley sa Philippine Super Liga Invitational nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Ang tatlong  koponan ay galing sa magandang pa­nalo sa pagbubukas ng liga noong nakaraang Ling­go pero asahan na ma­susukat ang kanilang ka­tatagan dahil gagawin ng tat­long iba pang koponan na makabangon agad para ma­natiling palaban sa pu­wes­to sa championship round.

Unang magkakasukatan sa ganap na alas-2 ng ha­pon ang Cignal at TMS-Ar­my bago sundan ng ta­gisan ng PCSO-Bingo Mil­yonaryo at Cagayan Val­ley sa alas-4 at labanan ng PLDT-MyDSL at Petron sa alas-6 ng gabi.

Ang San Juan Arena ang host ng larong ito at sa Bi­yernes maglalaban ang PLDT-MyDSL at Cagayan Val­ley (2 p.m.), ang Petron at TMS-Army (4 p.m.) at ang PCSO-Bingo Milyonar­yo kontra sa Cignal (6 p.m.).

Libre ang panonood ng dalawang laro.

Galing ang Cignal sa 25-22, 25-17, 25-23 straight sets win laban sa Petron sa unang laro, ngunit ma­pa­palaban sila sa Lady Troopers na kinapos sa hu­ling laro kontra sa Cagayan Valley na umani ng 25-23, 25-27, 26-24, 14-25, 15-12 ta­gumpay.

Single-round lamang ang magaganap sa elimi­nas­yon kaya’t tiyak na ma­gi­­ging mahigpitan din ang na­lalabing dalawang laro na magaganap.

Show comments