Estrada pababagsakin si Sabillo

MANILA, Philippines - Nangako si Colombian challenger Jorle Estrada na pa­babagsakin niya si World Boxing Organization minimum­weight champion Merlito Sabillo sa kanilang upakan sa Hulyo 13 sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque.

“I prepared three months for this fight,” wika ng 24-an­yos na si Estrada sa pamamagitan ng isang interpreter ka­hapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Si Sabillo ang isa sa tatlong Filipino boxing champions ngayon kasama sina IBF light flyweight king Johnriel Casi­mero at WBO light flyweight titlist Donnie ‘Ahas’ Nietes.

Nangako si Estrada na patutulugin niya si Sabillo sa lo­­ob ng seven rounds.

“It doesn’t matter if I’m fighting here because I came here to win. I know his style. I’ve observed him through the Internet,” ani Estrada.

Nasa undercard ang mga laban nina King Arthur Vil­lanueva at Arturo Badillo para sa WBO Asia Pacific super flyweight title, habang makakasagupa ni AJ ‘Bazooka’ Ba­nal si Abraham Gomez at lalabanan ni Prince Albert Pagara si Khunkhiri Wor Wisaruth ng Thailand.

Show comments