MANILA, Philippines - Dalawang buwang pagÂÂsasanay ay sapat para sa matagumpay na pagdepensa sa WBO minimumweight title ni Merlito Sabillo.
Makakalaban ng 29-anyos na pambato ng ALA boxing stable na si Sabillo si Jorle Estrada ng Colombia sa Sabado sa Solaire Resort and Casino.
Dumating na sa Manila mula Cebu si Sabillo para ikondisyon ang sarili sa laban na kabahagi ng Pinoy Pride XXI: When World Collides. Handog ito ng ALA Promotions sa pakikiÂpagtulungan ng ABS-CBN.
“Naghanda ako talaga para sa labang ito dahil ayaw kong mapahiya,†pahayag ni Sabillo na nagrelax kahapon sa panonood ng laro sa UAAP sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Hindi pa natatalo matapos ang 22 laban, kasama ang 11 KOs, si Sabillo ay nanalo sa WBO nang iskoÂran ng eight-round technical knockout si Luis dela Rosa ng Colombia noong Marso.
Ang 24-anyos na si Estrada ay mayroong 17 panalo sa 23 laban, kasama ang anim na knockouts.
Naipanalo ni Estrada ang huling apat na laban at siya ang kinikilala bilang South American middleweight champion matapos talunin si Jose Antonio Jimenez noong 2012 sa split decision.
Makikita rin sa aksyon si OPBF super flyweight champion Arthur Villanueva na babanggain si Arturo Badillo ng Mexico.
Wala pang talo si VillaÂnueva sa 22 laban at may 12 KOs habang si Badillo ay mayroong 21-4 baraha, kasama ang 19KOs.
Makikita rin sa gabi ang pagbabalik ng ring ni AJ Banal laban kay Abraham Gomez ng Mexico.